Demand
Hangad natin ang kaunlaran para sa ating
bansa. Ang pagsusuri ng ekonomiya ay mahalaga upang malaman natin ang
antas ng kaunlaran ng isang bansa. Ang dalawang paraan upang masuri ang
ekonomiya ay ang MACROECONOMICS at ang MICROECONOMICS. Ano ba ang
ibigsabihin o kahulugan ng microeconomics? Ang ibigsabihin nito ay ang
pagsusuri sa maliliit na yunit ng ekonomiya. Sinusuri nito ang kilos,
gawi, at maging ang ugali ng bawat mamimili at prodyuser gayundin ang
galaw na nangyayari sa pamilihan. Dumako naman tayo sa pokus ng ating
talakayan.
Ano ang DEMAND?
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng
produkto at serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga konsyumer sa
alternatibong presyo sa isang takdang panahon. Ang presyo ay mayroong
napakalaking impluwensya sa pagtatakda ng demand ng mga nasabing
konsyumer. Presyo ang pangunahing bagay na nakakapagpabago ng demand ng
mga konsyumer. Nagkakaroon ng demand kapag ang konsyumer ay may
kakayahan at kagustuhan na bilhin ang isang produkto o serbisyo
Lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay mayroong demand |
Ang pangunahing aktor ng konseptong ito ay ang demand ng konsyumer upang mapairal at maitakda ito ng sabay.
Bakit kailangan nating maitakda ang ating demand para sa pang-araw-araw na buhay??
Kailangan nating maitakda ang demand upang maihambing natin ang bawat
produkto sa ating bibilhin kumpara pa sa ibang produkto. Upang maiayon
natin ang ating demand sa ating kagustuhan, sa ating kita sa ating
pagtatrabaho, espektasyon, okasyon, populasyon, at maging ang presyo ng
magkaugnay na produkto. Dapat nating isaalang- alang ang lahat ng iyon.
mula sa demand dumako naman tayo sa demand function. Ang
demand function ay nagpapakita ng relasyon ng demand at presyo na
sinasabing magkasalungat. Mayroong positibong relasyon dahil sa tuwing
bumababa ang presyo tumataas naman ang demand. Sa kabila ng lahat,
mayroon ding negatibong relasyon dahil ang pagtaas ng presyo ay kasabay
ng pagbaba ng demand.
Mula sa demand schedule, maipapakita ang demand curve.
Ang demand ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng
presyo at dami ng bibilhing produkto. Upang makagawa ng demand curve,
i-plot ang mga datos na makikita sa demand schedule.
Kapag ang indibidwal na demand ng mga mamimili ay pinagsama-sama, makukuha ang market demand. Mapapansin
na kahit minsan mataas ang presyo ng isang produkto mayroon pa ring mga
mamimili ang may gustong bumili ng nasabing produkto.
BATAS NG DEMAND
Ano ang isinasaad ng batas ng demand?
Ang Batas ng Demand ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagsusuri ng demand. Ayon dito, kapag mababa ang presyo ng isang produkto, maraming mamimili ang magkakaroon ng kakayahan o nais bilhin iyon. Kapag mataas naman ang presyo, kakaunti lamang ang may kakayahan o nais bumili. Kung kaya ang presyo ng bilihin ay nakabatay sa batas ng demand.
Ang Batas ng Demand ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagsusuri ng demand. Ayon dito, kapag mababa ang presyo ng isang produkto, maraming mamimili ang magkakaroon ng kakayahan o nais bilhin iyon. Kapag mataas naman ang presyo, kakaunti lamang ang may kakayahan o nais bumili. Kung kaya ang presyo ng bilihin ay nakabatay sa batas ng demand.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento