Lunes, Setyembre 14, 2015

Demand




Hangad natin ang kaunlaran para sa ating bansa. Ang pagsusuri ng ekonomiya ay mahalaga upang malaman natin ang antas ng kaunlaran ng isang bansa. Ang dalawang paraan upang masuri ang ekonomiya ay ang MACROECONOMICS at ang MICROECONOMICS. Ano ba ang ibigsabihin o kahulugan ng microeconomics? Ang ibigsabihin nito ay ang pagsusuri sa maliliit na yunit ng ekonomiya. Sinusuri nito ang kilos, gawi, at maging ang ugali ng bawat mamimili at prodyuser gayundin ang galaw na nangyayari sa pamilihan. Dumako naman tayo sa pokus ng ating talakayan.
 Ano ang DEMAND?
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga konsyumer sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon. Ang presyo ay mayroong napakalaking impluwensya sa pagtatakda ng demand ng mga nasabing konsyumer. Presyo ang pangunahing bagay na nakakapagpabago ng demand ng mga konsyumer. Nagkakaroon ng demand kapag ang konsyumer ay may kakayahan at kagustuhan na bilhin ang isang produkto o serbisyo

Lahat ng nabubuhay sa mundong ito  ay mayroong demand

Ang pangunahing aktor ng konseptong ito ay ang demand ng konsyumer upang mapairal at maitakda ito ng sabay.
Bakit kailangan nating maitakda ang ating demand  para sa pang-araw-araw na buhay??
Kailangan nating maitakda ang demand upang maihambing natin ang bawat produkto sa ating bibilhin kumpara pa sa ibang produkto. Upang maiayon natin ang ating demand sa ating kagustuhan, sa ating kita sa ating pagtatrabaho, espektasyon, okasyon, populasyon, at maging ang presyo ng magkaugnay na produkto. Dapat nating isaalang- alang ang lahat ng iyon. mula sa demand dumako naman tayo sa demand function. Ang demand function ay nagpapakita ng relasyon ng demand at presyo na sinasabing magkasalungat. Mayroong positibong relasyon dahil sa tuwing bumababa ang presyo tumataas naman ang demand. Sa kabila ng lahat, mayroon ding negatibong relasyon dahil ang pagtaas ng presyo ay kasabay ng  pagbaba ng demand.


  Mula sa demand schedule, maipapakita ang demand curve. Ang demand ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilhing produkto. Upang makagawa ng demand curve, i-plot ang mga datos na makikita sa demand schedule.




Kapag ang indibidwal na demand ng mga mamimili ay pinagsama-sama, makukuha ang market demand. Mapapansin na kahit minsan mataas ang presyo ng isang produkto mayroon pa ring mga mamimili ang may gustong bumili ng nasabing produkto.





BATAS NG DEMAND
Ano ang isinasaad ng batas ng demand?
Ang Batas ng Demand ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagsusuri ng demand. Ayon dito, kapag mababa ang presyo ng isang produkto, maraming mamimili ang magkakaroon ng kakayahan o nais bilhin iyon. Kapag mataas naman ang presyo, kakaunti lamang ang may kakayahan o nais bumili. Kung kaya ang presyo ng bilihin ay nakabatay sa batas ng demand.